Alam ko (I know)
A spoken poetry about hoping to be picked by someone you like but he never reciprocated feelings in return.
English:
I know it’s not my name
That you’ll call first,
The first one you’ll utter,
The one you’ll remember.
I know it’s not my name
That will come to your mind first,
That you’ll think of
Whenever you hear it.
I know it’s not even my name
That you always mention to your friends,
I'm not the subject of your stories,
Not the first one you’ll run to when you have problems.
Much less am I the one your eyes seek,
The one you're crazy about,
The one destined to be your other half in the right time.
I just never had the courage to tell you before—
That I like you.
I never meant to fall for someone like you,
I didn’t force it, nor did I let myself go,
But I know—I will never be the one.
The first one you’ll call when you're alone,
I know my texts or calls won’t be the ones you answer first.
I’m not the one you wait for,
I know the way you look at me is different.
Different from how you look at her,
Different from how you love her,
How you take care of her,
I know—I am not your world.
But don’t keep dreaming
That she’ll love you back—
Because she never really did.
And I know now, it’s no longer me.
The first one who’ll run through your mind each day,
I know I’m not the one you think of every day.
I know you see me as just a friend,
That you treat me like a sister.
I know mine won’t be the first hand you’ll hold,
I know I won’t be the first one you approach,
The first one you’ll look for when you open your eyes.
I know I won’t be the first you’ll embrace.
I know I won’t be the first, or the last girl you’ll court.
I know it’s not me—yes,
From the very start I already knew,
That your heart doesn’t beat for me.
Your first beloved,
I knew from the beginning,
I engraved it in my mind
That I never had a place in your heart—not even once.
I know the way you look at me
Is different from how you look at her.
Maybe, you even thought that while looking at me,
You were actually thinking of her.
The way you speak to her,
The way you care for her,
The way you treat her—
It’s different,
She's truly set apart.
Never did I wish or expect
That you’d return the love I gave you.
Not once did I hesitate to knock on your heart,
Just hoping you'd accept and maybe love me too.
Just hoping you’d think of giving me a chance.
I never asked for anything in return.
I never thought of chasing after you.
Of kneeling before you and begging—
Only prayers were on my side.
Hoping you wouldn’t love someone else,
Hoping no one else is waiting for you.
Hoping it would be me you’d love instead,
Hoping God would finally hear my plea.
I know I’m not the one you want.
From the start, I knew it.
Even if you don’t say it,
I can feel it—
The coldness of how you treat me,
How you disregard me.
I know I never stood a chance against her,
That I could never force you to choose me.
I never wanted to beg you to pick me,
Because I know—it’s her you want.
I know your smiles aren’t meant for me,
I know I’m not the one you long to talk to,
Not the one you want to be with,
Not the one you wish to see laugh.
I will never be her.
I can never replace her
In your heart.
I can never teach your heart—
To love me,
To choose me.
I will never be the one you see
Whenever we’re together.
You wished it were her beside you,
That it was her you talked to,
The one who understood and listened to you.
We are completely different.
And even if we turned the world upside down,
Even if you compare us,
She’ll never be me—
And I’ll never be her.
Tagalog:
Alam kong hindi ang pangalan ko
Ang unang tatawagin mo,
Ang unang bibigkasin mo,
Ang maaalala mo.
Alam kong hindi ang pangalan ko
Ang unang papasok sa isip mo,
Ang unang maiisip mo
Sa tuwing naririnig mo ito.
Alam kong hindi rin ang pangalan ko
Ang lagi mong bukambibig sa mga kaibigan mo,
Hindi rin ako ang laman ng mga kwento mo,
Ang una mong matatakbuhan sa tuwing may problema ka.
Mas lalong hindi ako ang hanap-hanap ng mga mata mo,
Ang kinababaliwan mo,
Ang magiging kabiyak mo sa tamang panahon.
Hindi lang ako naglakas ng loob na sabihin sa’yo noon.
Na gusto kita.
Hindi ko naman ginusto na magkagusto sa isang katulad mo,
Hindi ko naman pinilit o para bang ako ay nagpabaya,
Ngunit alam ko, na hindi magiging ako.
Ang una mong tatawagan sa tuwing nag-iisa ka,
Alam kong hindi ang text o tawag ko ang una mong sasagutin.
Hindi rin ito ang laging inaabangan mo,
Alam kong kung paano mo ako tingnan ay iba.
Iba kung paano mo siya tingnan,
Iba kung paano mo siya mahalin,
Kung paano mo siya alagaan,
Alam kong hindi ako ang mundo mo.
Ngunit huwag mo nang pangarapin pa
Na mamahalin ka rin niya,
Ngunit hindi naman pala.
Ngunit, alam ko na hindi na pala ako.
Ang unang iikot at tatakbo sa isipan mo araw-araw,
Alam kong hindi ako ang iniisip mo araw-araw.
Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin,
Alam kong parang kapatid lang ang pagtrato mo sa akin.
Alam kong hindi ang kamay ko ang unang hahawakan mo,
Alam kong hindi ako ang unang lalapitan mo
At unang hahanapin mo pagkadilat ng mga mata mo.
Alam kong hindi ako ang unang yayakapin mo.
Alam kong hindi ako ang una o kahuli-hulihan na liligawan mo.
Alam kong hindi ako—oo,
Noong una pa lang alam ko na,
Na hindi ako ang tinitibok ng puso mo.
Ang iyong unang sinisinta,
Alam ko noong una pa lang
Tinatak ko na sa isipan ko
Na wala akong puwang ni minsan man diyan sa puso mo.
Alam kong ang bawat pagtingin mo sa akin
Ay iba sa kung paano mo siya tingnan.
Siguro, naisip mo rin na habang tinitingnan mo ako,
Ay siya ang naiisip mo.
Kung paano mo siya kausapin,
Kung paano ka magmalasakit sa kanya,
Kung paano mo siya tratuhin—
Ay iba sa lahat,
nabubukod-tangi nga ba sa iba.
Ni minsan hindi ko inisip o hiniling
Na ibalik mo sa akin ang pagmamahal na ipinaramdam ko sa’yo.
Ni minsan hindi ako nagdalawang-isip na katukin yang puso mo.
Baka sakali lang matanggap at mahalin mo rin ako.
Baka sakali maisip mo rin na bigyan ako ng pagkakataon.
Ni minsan hindi ako humingi ng kahit anong kapalit.
Ni minsan hindi ko inisip na habulin ka.
Na lumuhod sa harap mo at magmakaawa,
Dasal lang ang kakampi ko.
Na sana huwag kang magmahal ng iba,
Na sana walang ibang naghihintay sa’yo.
Na sana ako na lang ang mamahalin mo,
Na sana dinggin na ng Panginoon ang hiling ko. Alam ko na hindi ako ang gusto mo.
Noong una pa lang alam ko na.
Kahit hindi mo sabihin,
Ramdam ko naman Ang mga panlalamig na trato mo sa akin,
Ang pagbabalewala mo sa akin.
Alam kong kahit kailan wala akong laban sa kanya,
Kahit kailan hindi kita magawang pilitin.
Ayaw kong ipilit sa’yo na ako ang piliin
Dahil alam kong siya ang gusto mo.
Alam kong hindi para sa akin ang mga ngiti mo,
Alam kong hindi ako ang gustong makausap mo,
Alam kong hindi ako ang gusto mong makasama,
Ang gusto mong makitang tumawa.
Kahit kailan hindi ako magiging siya,
Kahit kailan hindi ko kayang palitan siya
Diyan sa puso mo.
Kahit kailan hindi ko magawang turuan ang puso mo
Na ako ang mahalin mo,
Na ako ang pipiliin mo.
Kahit kailan hindi ako ang nakikita mo
Sa tuwing magkasama tayo.
Hiniling mo na sana siya na lang ang kasama mo,
Na sana siya na lang ang nakausap mo
At ang nakakaintindi at nakikinig sa’yo.
Kailanman magkaiba kami.
At kahit bali-baliktarin man natin ang mundo,
Kahit ikumpara mo man ako,
Hindi siya magiging ako
At hindi rin ako magiging siya.
Comments